Thursday, August 26, 2010

Paano mo malilimutan ang taong lagi mong kasama?

Mahirap... Totoo yan. Lagi mo siyang kasama eh! Hindi mo nga siya maaalis sa isip mo... or more.
Ang sagot: Hindi mo siya malilimutan.
Mali naman kasi ang tanong sa itaas eh! Bakit mo siya gustong kalimutan? Mahal mo siya? Nako nako! tsktsk!
Ang tamang dapat na tinatanong dyan ay...

Papaano mo malilimutan ang nararamdaman mo sa isang taong lagi mong kasama?

Sagot, Hindi pa rin malilimutan yun noh! Magulo ba? Ganito na lang. Let me use myself as an example.
Kunwari may mahal akong tao na kasama ko sa bahay. Tapos imposible na malagpasan ko ang pagsubok na makita ko siya oras-oras, araw-araw. May nagsabi na kung gusto mong makalimutan ang nararamdaman mo sa isang tao, maghanap ka ng mas hihigit sa kanya dahil siguradong kung hindi siya, may nakalaan para sa iyo. Ang masasabi ko naman, paano kung siya na talaga ang para sa iyo at wala nang susunod? Hindi mo ba panghahawakan ang oportunidad na ibinigay sa iyo? Hayaan mo na lang ba na mawala siya ng wala kang ginagawang paraan na mag-stay siya sa buhay mo? Matuto kang lumaban.


-Mr. Talong :)
Sib... Post ka naman dito!

No comments:

Post a Comment