Sunday, August 15, 2010

Linggo ng wika... Tanga-log!

Tagalog, Bisaya, Bicolano, Kapampangan, Ilocano, Hiligaynon, Pangasinense, Waray, Cebuano, Inggles, German, Korean, Japanese, Thai, Malay, Pinoy slang, Gay Language at ang pinaka-sikat at pinakabago sa utak ng mga pinoy... ang JEJEMON.

JEJEMON.

Paano nga ba nabuo ito?
Mali-maling mga teksto at jologs o "baduy" na porma. Ito ang jejemon. Sino ba ang nagpauso ng mga ganitong bagay na tumatak at nanggulo sa isipan ng mga mamamayang pilipino? Kailan ba nabuo ito? Saan? Bakit at para saan ang JEJEMON?

Una, kahit saang angulo mo tingnan ang isang JEJEMON ay wala ka talagang mapapalang maganda sa mga ganitong bagay. Ang main purpose daw ng isang jejemon ay para paikliin ang mga salita sa pagtetext nila pero ang lumalabas ay humahaba pa ang mga ito at lalong hindi maintindihan. Imbes na po, ang sa jejemon ay pFouH, p0w o kaya POWz. Madali bang basahin? Mas madami pa yan ehh...

"KATANGAHAN"

Tangalog ika nga ng iba. Nakakatawa? Hindeh.

Hindi ako anti-jejemon, con of jejemons o jejebuster pero ito talaga ang sagot ko: Hindi maganda ang jejemon.
Tanong: PARA SAAN BA TALAGA ANG PAGIGING ISANG JEJEMON?
Sagot: wala. trip lang.

No purpose. Sa tagalog, walang pakinabang. In short, uhh...

Basta, rekomendado kong huwag nang tangkilikin ang pagiging isang JEJEMON ok?

Mr. Talong :)
-Humahaba pa din ako!!

No comments:

Post a Comment