Monday, August 16, 2010

Bakit ba Ganun?!

Ang pinoy, kilala iyan dahil sa kanilang Pagiging mapagbigay at maaalalahanin. Pinoy Hospitality ika nga ng iba. Pero, bakit ba ganun? Bakit ang pinoy mabaet nga, matulungin nga, mapagbigay nga, ngunit, minsan wala sa sariling pag-iisip? Hindi kayo makapaniwala dahil sinabi ko ito di ba? Eto ang isa sa mga nadatnan kong mga pangyayari sa loob ng Pinas...

Bumibiling Pinoy: Pagbilan po!!

Tindera sa Kanto: Ano yon?

Bumibiling Pinoy: Pabili po ako ng Colgate... Yung Close-up!

Tsk!tsk!tsk! Isa yan sa mga nakakadiring kaalaman ng pinoy, ang kaibahan ng common noun sa proper noun. Eto pa isa...

Bumibiling Pinoy: Magkano po yung bigas nyo na tig-bentesingko?


Hehehe!! Nakakatuwa mang pakinggan ang mga ito, mali pa din ang mga ganitong bagay na umiikot sa ulo nating mga Pilipino. Kaya aral-aral muna tayong mga kabataang pinoy ah?? kahit walang ligo-ligo! Di naman Tsambahan ang pagiging mayaman eh. Ika nga ni Norl Coronel na taga-DXN,"Di mo kasalanan na ipanganak ka ng mahirap ngunit kasalanan mo naman kung mamatay ka ng mahirap!". Tenkyu IDOL! Kaya ang moral natin ngayon, mag-aral once a week! :D


Nakakabaliw talaga ang Pag-aaral kahit anong sabihin ninyo!!!

-Mr. Talong :)
peace out~ >.<

No comments:

Post a Comment