Tuesday, August 17, 2010

Ang pagmamahal sa kapwa

Love... Ang word na nakakagaan ng pakiramdam.
Lust... Salitang nakakapagbigat... ng puson.

Paano mo madedetermine kug pagmamahal nga iyang nararamdaman mo?
Paano mo malalaman kung hindi iyan peke?
Paano mo rin malalaman kung Siya na nga ang nakalaan para sa iyo?

Naniniwala ba kayo sa true love? Ako, syempre naman. Eh sa first love never dies? Ako? Hinde. Nakalimutan ko na kasi siya eh. Tsaka, kinalimutan na niya ako. baka nga hindi niya ako naaalala talaga as in walang existence. Sa puppy love, oo, naniniwala din ako. Hindi yung naiin-love sa tuta ha? Hehe! kidding aside, Love never dies ika nga ng iba which is naniniwala din ako. Kung totoo ang pag-ibig mong yan, hindi yan mamamatay o mawawala lang ng basta-basta o mawawala lang bigla or mawawala lang ng tuluyan. Hindi yan mawawala. Walang hinihinging kapalit ang pag-ibig. Tama din yon. Kapag umiibig ka, hindi ka umaasang bibigyan ka din niya ng pag-ibig o iibigin ka din ng mahal mo. As in nagmamahal ka kahit ano pa ang dating nun sa kanya. Kahit nga nagmumukha ka nang stalker, okay lang sayo yun. Tinitingnan mo kasi ang bawat galaw niya at baka may maitulong ka tama? Pero wag naman sobra okey? Nagmamahal ka kahit nasasaktan ka na. Paano yan?

Sinong tao ba ang taong gustong masaktan?
Sagot: Ang taong tunay na nagmamahal.
Bakit: Dahil kung mahal mo siya at hindi niya naibabalik ang pagmamahal mo at tanggap mo ito, nagmamahal ka. Or for an instance, dahil sa mahal mo siya, kahit masakit, you'll let her go na lang. :(

Ang pag-ibig ay sadyang ganyan.... Tiwala sa isa't isa'y kailangan. Dati mong pag-ibig wala akong pakialam...

Tama yan. Wala kang paki kung ano man ang estado niya sa buhay, ano siya noon, ano siya ngayon at higit sa lahat, magiging ano siya sa kinabukasan. Ano ba!? Ang importante ay ang mahalaga! Mahalaga ang pagmamahal at hindi ito nilalaro lamang.


Madaming tao ang naglalaro ng pag-ibig. Malamang iniibig na siya ngunit para sa kanya, ito ay pampalipas oras lamang.


Nag-survey ako kung ano ang mga dahilan kung bakit nilalaro ng mga tao ang pag-ibig:


1. Pampalipas-oras. Walang magawa sa buhay. Trip lang.

2. Niloko sila noon. Naghihiganti na ngayon.

3. Walang mahanap na tunay na pag-ibig para sa kanila.

4. Hindi naniniwala sa totoong pag-ibig o true love.

5. Hindi sapat ang kasiyahan at naghanap ng malalaro, ang pag-ibig.

6.
Kailangan ng financial support.

7. Socializing.

8. Man or woman hater na nagpapa-asa sa kanilang lovers.

9. Boring na ang buhay para sa kanila.

10. Ewan ko ba!! Minsan hindi ko maintindihan ang iba. Hindi ko alam kung bakit nila nilalaro ang sagradong pakiramdam ng pag-ibig. Sana, tamaan naman sila ng pana ni kupido para maranasan nila ang umibig at nang wala nang gamitan at paglalaro ang nagaganap hanggang ngayon sa kasalukuyan. :(


Masakit mang isipin ang mga ganitong bagay at nakakapag-isip man ako ng mga outrageous na mga ganito, isipin pa din natin na posibleng mangyari o nangyayari na nga ito sa mga relasyon dyan sa tabi-tabi. O kaya naman, wala sa survey na ito ang isang posibleng dahilan kung bakit naglalaro ang mga tao ng pag-ibig. Depende na lang yan sa Experience dahil ito nga ang pinakamagaling na teacher tama?

Huling Mensahe para sa mga mapaglaro at mapagtukso...
Pwede ba? baguhin nyo na ang ugali nyong yan. kung lalaruin nyo ang pag-ibig, nilalaro nyo at di sineseryoso ang Diyos. OO ang Diyos nga! Ang Diyos ay pag-ibig tama? (1st John 4:8)
Mag-seryoso nga kayo! ako ang naaapektuhan eh! Maswerte nga kayo eh. Ako hinde! Kasi... wala!!!! >:-/

-Mr. Talong :(
"If God is love and love is blind... Then God is blind!!??"

No comments:

Post a Comment